CNF Online Journal 2: Animalia ni Wilfredo Pascual

Marianne Melinda Lalap
3 min readJun 28, 2021

--

Ang akda ni Wilfredo Pascual na Animalia ay bahagi ng isang buong koleksyon ng mga sanaysay na may pamagat na Kilometer Zero. At ang Animalia, isa ding koleksyon ng mga anecdotes mula sa kanyang mga personal na karanasan at kwento, ay parang mga puzzle pieces na bumubuo ng isang Wilfredo Pascual upang mas makilala kung sino siya at sino siya sa mundong it. Sabi nga sa isang komento mula rin sa isang mambabasa, ito ay nagpapakita ng koneksyon ng “zoological with the personal” sa buhay ng isang tao.

Ang bawat bahagi nito ay ginamitan ng first person point of view kaya ito ay nagkaroon ng mas authentic and personal na dating sa akin bilang reader. Mayroon ding objective na atake sa pagsasalaysay. Ito ay naging epektibo sapagkat bilang mambabasa, ang kanyang paglalarawan at pag bibigay ng mga detalye sa bawat pangyayari ay nakatulong upang makita ang setting at scenario, at ang nais nitong iparating na kwento. Direct to the point ang kanyang pag kukwento at wala itong halong masyadong personal na damdamin at opinyon ngunit nandon pa rin ang personal touch dahil inihayag niya ang kanyang nasa isipan sa mga pagkakataon na iyon.

Nakamamangha kung paano ginamit ng manunulat ang mga hayop bilang isang common symbol o device upang maikuwento ang mga karanasan nito sa kanyang totoong buhay. Iba’t ibang pangyayari tulad ng pagkamatay ng kanyang ama, mga adventures at iba pa, ang ilang nga dito ay may scientific touch pa. Kanyang kinonekta ang ating buhay kung paanong mayroon din tayong pagkakapareho sa mga hayop at ang hayop ay may pagkakapareho rin sa atin.

Isa sa aking napansin na halimbawa ay ang panglimang anecdote tungkol sa sea turtles. Ikinumpara ng may akda kung paanong ang ating mga isip, memorya, at kaalaman ay katulad ng sa mga pawikan. Gumagamit at guided tayo ng familiarity upang ma access ang ating mga alaala ng isang bagay o lugar. Gayon din sa ibang mga hayop, ipinakita ni manunulat ang ating koneksyon sa mga hayop.

Sa aking pagbabasa, mayroon din akong mga napulot na aral mula dito. Tuld ng mga nabanggit sa akda na

“Some stories would never be silenced. Humans don’t hear well enough. But that’s not the point. Each waking moment a voice screams, sometimes whispers, and a story bounces back against a landscape, a political event, and the whole of humanity and what it fails and aspires to be, all of these echo back to the source, year after year — amidst typhoons, migrations, fiestas, death, revolution, and romance — and it is all that matters.”

“We all carry a personal wilderness inside us. We render the rest of the world mostly with eyes closed, drawn to what blinds us in stories, and sometimes we do survive each other’s way of seeing, even thrive in the aftermath.”

Ilan ito sa mga pangungusap na nangusap sa akin kung paanong ang mga paniki ay parang tao, ang mga usa bilang tayo at ang ibang hayop. Dahil sa akda ni Wilfredo Pascual, dito ko napagtanto na hindi lamang tao ang mahalaga at ang tanging nabubuhay dito sa mundo. Mayroon ding mga hayop na kasama natin at sila ay mayroon ding mga sariling karanasan at pakiramdam. Hindi sila nalalayo sa atin. Ipinamalas ni Pascual sa kanyang mga mambabasa ang kanyang paglalakbay mundong ito kasama ang mga animalia.

--

--

Marianne Melinda Lalap
Marianne Melinda Lalap

Written by Marianne Melinda Lalap

Ako’y mananayaw sa entablado ng buhay.

No responses yet