CNF Writing Exercise: Spirit of the Childhood Past
Sa tuwing ako ay bumibisita sa aking dating paaralan, lagi kong pinupuntahan ang palaruan. Nakikita ko ang mga batang tumatakbo papunta roon dahil awasan na, parang ako lang noon. Mayroon ditong slide, seesaw ,pero walang makakapantay sa paborito kong swing. Blockbuster ito dahil mahaba ang oras na ipipila namin upang makasakay dito. Nang makasakay na ako roon, dinadama ko ang pagduyan sa hangin na may mga ngiti sa labi. Oras na nang pag-uwi, tumayo na ako at tumakbo papunta kay Ate na nag-aalaga sakin noon. Ngunit sa aking pagtakbo, ako’y napatigil din bigla nang may naramdaman akong sakit sa aking noo at kaunting hilo. Tumigil ang batang nag sswing, linapitan ako ng ibang mga tao at ni ate. Hinawakan ko ang aking mukha at may nakita akong dugo sa aking kamay. Hanggang ngayon ay tanda ko pa rin ang amoy ng aking dugo na may halong kalawang. Sa tuwing ako ay bumibisita sa palaruan ng aking dating paaralan, wala na ang swing.