Online Journal 1: Repleksyon sa Tula ni Jess Santiago
Noong una kong mabasa ang tula, inaamin kong walang pumapasok na ideya sa aking isipan. Matagal na akong nakaupo sa harap ng aking laptop ngunit hindi ko pa rin lubusang maintindihan kung anong gustong ipahiwatig ng tula dahil una, masyadong malalim ang mga ginamit na salita at pangalawa ay ako’y nalito kung paanong perspektibo ko titignan ito. Sa aking paulit-ulit na pagbabasa at paghahanap ng mga kahulugan sa bawat salita ay siyang na kapag dala sa akin sa isang interpretasyon na makatutulong sa akin bilang isang nagsisikap na manunulat.
Maaari nating bigyang kahulugan na ang malikhaing pagsulat ay binubuo ng mga pinagtagpi tagping mga salita na nakapaglalatag ng isang sining. Ngunit, hindi lamang ito set ng mga salita na iyong pinagsama-sama dahil ito’y maituturing lamang na malikhain kung ang isinulat ay lagpas sa karaniwan at tunay na mapagparanas sa mga mambabasa.
Para sa aking interpretasyon, maaari nating makita na gustong iparating ng manunulat na mas gugustuhin pa niyang makatanggap ng isang taling kangkong o isang bungkos ng mga talbos ng kamote na kung saa-saan lamang nanggaling kaysa sa pumpon ng mga salita na nanggaling sa isang makata ngunit walang namang saysay. Kung ating titignan, ginamit ni Santiago ang kangkong at talbos ng kamote, na alam nating nabibili natin ito sa murang halaga o cheap sa ingles, na paghahalintulad sa pumpon ng mga salita dahil nakikita ito ng manunulat na cheap kung itoý walang binibigay na meaning.
Sa bahaging “pagkat ako’y nagugutom at ang bituka’y walang ilong, walang mata”, nais nitong isalaysay na ang author ay uhaw o naghahanap ng mga gawa na may kalakip na laman o sangkap dahil, walang mata o ilong ang kanyang bituka para lamang sa mga mabubulaklak na mga salita. Mayroon talagang posibilidad na tayoý makapag sulat na puro flowery words at makalimutan ang content ngunit hindi ito ang tamang gawin. Matagal nang pinamanhid ng hirap ang kanyang damdamin mula sa mga ganoong bagay. Siya ay nagsawa na sa paulit-ulit na kamalian. Para sa akin ay hindi naman masamang magsulat dahil tayo ay malayang gawin kung ano mang gusto natin, pero sa panahon natin ngayon, ang mga walang kabuluhan na likha ay hindi na katanggap-tanggap. Ang pagiging “responsible writer” ay napakahalaga dahil mayroong tungkulin ang bawat manunulat. Ipinapaparating ng tula para sa mga pinagpipitaganang makata na mahalaga ang magsulat ng mga makasaysayang obra. Tungkulin ng mga bawat manunulat na maging bukas at ipahiwatig ang pawang katotohanan. Maging ang pagbibigay ng anyo sa sa bawat perspektibo.
Bilang estudyante ng creative writing, marami akong napulot na aral mula sa tula. Natutunan ko na mahalagang bigyan ng pansin ang nilalaman ng ating mga sinusulat. Hindi lamang umiikot tungkol sa sarili natin, hindi rin dapat ito biased. Nararapat na sa pagsusulat ay napararanas mo sa mga mambabasa ang bawat salita, kumbaga, may epekto o “ma-touch” mo ang isang tao. Kung ito ay isunulat lamang basta-basta, ito ay magiging useless para sa makakabasa.