Online Journal 2: Pagsusuri sa Tula ni Carlos Piocos

Marianne Melinda Lalap
3 min readOct 15, 2020

--

Ang lalim. Iyan ang unang pumasok sa aking isipan noong mabasa ko ang tula. Hindi na rin ako gaanong nagulat kung bakit ako nahirapan intindihin ang tula dahil nang makita ko ang komento tungkol kay Carlos Piocos, siya ay kilalang manunulat na may malalim na mga akda na kailangan mo talaga hukayin upang iyong maintindihan. Isa sa kanyang mga akda ay ang Corpus. Ang librong ito ay nagpapahiwatig ng iisang paksa, at iyon ay pagmamahal sa iba’t ibang forms.

Sa bahaging “Nais kong banggitin na ang aking mga kasama’y naglaho nang lahat, nilamon ng hamog at usok. Na binubura ng takot, gutom at tutok ng baril ang buong lungsod”, lumitaw dito ang posibleng personahe ng tula. Sa aking palagay, ito ay maaaring isang sundalo na nasa isang giyera. Ngunit sa aking pagninilay-nilay, itoý maaari ding isang pang karaniwang tao lamang na nasa parehong sitwasyon. Dagdag pa ay inilarawan ng persona and kanyang paligid o ang setting sa “na naulol ang historyador sa pagbibilang ng mga lumulutang na katawan.” kaya matitiyak natin na nasa isang giyera o digmaan ang persona.

Nais niyang magsulat ng isang liham, sa bahaging ito ay ginamit niyang halimbawa ang isang pantas dahil gusto niyang gayahin ang paraan ng pagsulat nito sa kadahilanang ang kanyang pag susulatan ay ang kanyang minamahal. Laman ng sulat ang “kalakip ng sulat na ito ang lahat ng aking mga pang karaniwang lungkot”, mga hinaing, karanasan, at nararamdaman. “ Ako? Maayos naman ako. Kahit na sa kalaliman ng gabi, gabi-gabi, ay dinadalaw ako ng matinding sikat ng liwanag at isang mabangis na anghel”, ibinahagi niyang binabagabag siya ng mga sensasyong umuukit sa kanyang isipan at pagnanasa na makasama na ang kanyang minamahal. Layunin nitong maisulat ang lahat ng nasa kaniyang nais sabihin o confession sa Ingles.

Makikita rito “Higit sa lahat, nais kong sabihin na ako’y hindi makatulog sa labis na pag-aalala.

Ngunit hindi ko matandaan ang sanhi ng aking mga pagkabalisa. Kaya naiiwan akong mulagat at nilalagnat sa madaling-araw”, na sa pag pikit ng kanyang mga mata upang magpahinga ay mahirap na ring gawin dahil sa kanyang kaba na nararamdaman. Alam niyang siya ay nasa panganib at ano mang oras ay maaari siyang maglaho katulad ng kanyang mga kasamahan. Iyon ang pangalawang dahilan na namungkahi ko kung bakit niya isinulat ito. “Hawak-hawak itong sulat at ang hungkag kong pagkapuyat” Medyo napagtanto ko sa bahaging iyon ang maaaring tema ng tulang ito. Pagmamahal sa gitna ng kawalan ng pag-asa. Ang pag na nais niyang maibigay ang liham na isinulat niya ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa na manatiling buhay. Hawak-hawak niya ang sulat at ang pag-asa sa mga nangyayari.

“Iyon laman naman at nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Nawa’y naramdaman mo ang nakapapasong halik na nagtikom sa sobreng ito, bago mamaalam,” Ito ay maaaring temporary o permanent na pamamaalam ng persona. Temporary dahil tinatapos niya lamang ang sulat o permanent dahil sa pagtatapos ng sulat ay siyang pagtatapos na rin ng kanyang buhay.

Nakamit ng persona ang kanyang layunin na maipahayag ang kanyang karanasan at nararamdaman sa kanyang minamahal at sa palagay ko ay nahigitan pa niya ito. Hindi lamang ito naging isang pang karaniwang love letter, ito rin ay nagbigay ng pasilip sa reality o nangyayari sa isang war.

Sa sarili kong repleksyon, sa tingin ko ay hindi pa ito gaanong kalalim ang analysis na nagawa ko ngunit masasabi ko na sa aking nabuong meaning o sa aking pagkakaintindi, naenjoy ko ang tula at ang nilalaman nito. Ito ay kakaiba sa ibang tulang nabasa ko, na tinataliwas ng title ng tula na pangkaraniwan.

--

--