Online Journal 3: Pagsusuri sa Tula ni Amado V. Hernandez

Marianne Melinda Lalap
2 min readOct 26, 2020

--

Ang tula na ito ay isang halimbawa ng isang patriotic poem o makabayan na tula. Ang pamagat nito na “Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan” ay nagbibigay kahulugan na ang akdang ito ay isinulat ni Amado V. Hernandez para sa bayan.

”Lumuha ka, aking Bayan”

Sa unang linya ay makikita natin kung sino ang maaaring personahe. Ito ay masasabi nating isang mamamayang Pilipino dahil sa salitang aking o akin. Ang layunin ng persona sa kanyang pag kausap sa bayan ay para sabihing “kumapit ka lamang aking Bayan, mag tiwala na darating ang panahon kung kailan ikaw ay magiging malaya rin mula sa pag luha at pag hihirap.” At sa kabilang banda, nais naman nitong iparating sa mga mambabasa na “tignan mo ang nangyayari sa iyong Bayan. Ang mga pang aapi at pananakop na inyong nararanasan. Tuloy ang laban!” Para sa akin ay may ganitong feels o may gustong ipadama na apoy sa ating mga damdamin ang persona upang mabuksan ang ating mga mata sa mga nangyayari. Na mula pa noong “Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,” hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo lubusang nakalalaya.

Sa kabilang banda, ang technique o style ng pagsulat ni Amado sa tula ay mayroon ding ibig sabihin. Makikita natin na sa huling pantig ng bawat linya sa una, ikalawa at huling saknong ay mayroon tayong maririnig na rhyming pattern o tugmang katinig. Habang sa pangatlong saknong naman, bagamat hindi ito perfect rhyme ay mayroon pa rin itong general rhyme. Kahit na mayroon siyang emosyon na ipinaparating ay ginamitan niya pa rin ito ng mga tugma upang mas magandang pakinggan sa tainga o may smoothness na tinatawag, upang mas makuha at mapukaw ang ating atensyon sa ating binabasa.

Sa unang bahagi ay nag bibigay pa lamang eto ng malungkot na emosyon dahil sa kalagayan ng Bayan. At habang tumatagal, parang mayroong namumuong matinding damdamin kasabay ng pag enumerate ng persona sa mga karahasan at karanasan, makikita natin ang intensity ng emosyon sa pag gamit ng bantas tulad ng colon at semicolon na parang kanyang binabato ang mga hinaing at sinamahan pa ng exclamation point. Maging ang pagkaka putol-putol ng linya ay tamang-tama o swabe.

Sa kabila ng sari-saring emosyon na kanyang ibinabato ay nangingibabaw pa rin ang sense of hope. Hindi pa ito ang kalayaan na nararapat para sa Bayan, at matatamo natin ang kalayaan na iyon kung patuloy natin itong ipaglalaban.

--

--