Online Journal 4: Pagsusuri sa ‘Walang Kalabaw sa Cubao’ ni Acosta at ‘The Gods We Worship Live Next Door’ ni Santos

Marianne Melinda Lalap
4 min readNov 27, 2020

--

Tunay na nakatutuwang magbasa at magsuri ng isang tula na may figurative language sapagkat ito ay mapaglaro sa isipan. Ngunit, nangangailangan din ito ng malalim na pag unawa upang makuha ang mensahe na ipinararating. Ang dalawang tula ay nagpapakita ng mga imahe na kakaiba sa ibang mga tula na aming sinuri noon dahil sa metapora na ginamit upang makapag bigay ng kahulugan at mensahe. Sa mga tulang ito, ibibiyahe tayo nito paikot sa nakakahilong realidad ng buhay, pataas upang makilala ang mga gods, at pababa upang makilala namang mga kalabaw at mga langaw na kasama nito.

Sa tula ni Ericson Acosta na Walang Kalabaw sa Cubao, ito ay naglalarawan ng buhay sa siyudad, sa Cubao. Kilala ito bilang heart of Quezon city kaya alam nating sobrang daming nangyayari dito na para bang hindi natatapos ang araw at gabi. Maraming nangyayari dahil marami ditong malls tulad ng Ali-mall, mayroon ding mga terminal ng bus, jeep na may mga barker na sumisigaw ng “SANTA LUCIA, SANTA LUCIA At SAN MATEO, SAN MATEO” at MRT, workplace ng mga tao at marami pang iba. Kaya walang kalabaw sa Cubao ang pamagat ng tula dahil literal na wala naman talagang kalabaw sa Cubao sapagkat ito ay siyudad at hindi probinsya! Sa seryosong tala, dahil nga sa mga katangian ng Cubao na nabanggit, mahihinuha natin na ang cubao ay parang isang malawak na bukirin kung saan ang bawat tao, hayop at bagay ay dapat gumagalaw upang mabuhay. Ang mga tao sa Cubao ay kailangan mag work work work tulad ng isang kalabaw sa bukirin na walang tigil sa pagkayod.

Habang sa tula naman ni Bienvenido Santos na The Gods We Worship Lives Next Door, isinalaysay nito ang perspektibo ng isang nasa gitnang antas o inferior na tao sa kinikilala nitong gods. Sinasabi ng persona na ang mga gods na kilala nating mga “superior beings” na tinutukoy sa tula ay “superior human beings” o isang pagkaraniwan na tao lamang din. Makikita ito sa linyang “They’re brown and how easily they catch cold sneezing“ na nag lalarawan ng katangian ng isang normal na tao tulad ng kulay ng balat at nakakakuha rin ng sakit. Sa isa pang linya na,

“Fear grips us when they frown as they walk past our grim deformities dragging with them the secret scent of love”

dito maaaring makita yung intimidation o na nararamdaman ng persona sa kanyang god. Ito ay nagbibigay kahulugan na mayroong linya sa pagitan ng gods at ang normal na tao. Bakit nga ba may itinuturing na gods kahit na normal na tao lang naman tayong lahat? Ang maaring nag aangat sa kanila upang ituring na gods ay ang kanilang kayamanan, kapangyarihan o koneksyon sa nakatataas. Nakita ko rin na sa totoong buhay, kapag ikaw ay mayaman o may koneksyon sa itaas, lahat sa iyo ay madali at nakukuha mo ang lahat ng iyong gusto. Ikaw ang nauunang iadmit sa ospital at makakuha ng swab test kahit na mayroong ibang taong mayroong mas kailangan noon. Kaya ang feeling mo ay ika’y nasa ulap at isang god.

“In the cold months of fog and heavy rains

our gods die one by one and caskets golden

are borne on the hard pavements at even

down roads named after them,”

“but there are junior gods fast growing tall.”

Tulad nga ng isang normal na tao, may hangganan din ang buhay para sa gods. Ang kaibahan nga lamang ng kanilang pagkamatay ay minsan, nailalagay ang kanilang mukha sa barya o hindi kaya ang kanilang pangalan sa mga streets na hindi nangyayari o mangyayari sa isang pangkaraniwan na tao. At tunay na mayroong junior gods kung tawagin dahil sila ang sunod na tagapag mana o sumusunod sa yapak ng mga gods.

Pagkatapos suriin ang ibig sabihin ng dalawang tula ay nakikita nating nagtataglay ito ng magkaparehong tema at ito ay kahirapan sa magkaibang larawan. Sinisimbolo ng mga langaw na nakadapo sa kalabaw mula sa unang tula at mga hindi “gods” sa pangalawang tula ang mga inferiors o mahihirap. Ang bawat elemento ay na naitala sa tula ay nagkakaisa kaya nakabubuo ito ng isang larawan na mas nakatutulong sa mambabasa na maintindihan ang tula.

Gustong iparating ng tula ni Acosta na ang lahat ng tao ay pantay pantay at pagkakaiba lamang ay nakaka angat ang iba dahil sa estado ng buhay ngunit hindi ibig sabihin nito ay maaari nang mag iba ang pagtrato natin sa bawat isa. Wala dapat na ituring na outcast kahit na ikaw ay mas mahirap pa sa mahirap. Wala namang masyadong pakialam ang mga kalabaw sa langaw dahil ito ay may sarili ding buhay at no harm done kumbaga. Ganoon din sa tula ni Santos, pagkakapantay pantay ang hinihiling ng bawat tao. Nakakatuwa lang din isipin na sa panahon ngayon, ang mga gods na yan ay hindi na nila masyadong sinasamba dahil namumulat na sila sa realidad na wala naman talagang gods at sila’y natatapakan at nananakawan pa ng karapatan sa buhay nga mga ito.

--

--

Marianne Melinda Lalap
Marianne Melinda Lalap

Written by Marianne Melinda Lalap

Ako’y mananayaw sa entablado ng buhay.

No responses yet