Online Journal 7: Pagsusuri sa Maikling Kuwentong ‘Eye Candy’
Makikila natin si Maya, tulad ng pagkaka larawan sa kanya sa istorya, bilang nasa edad na forty-something, namumuhay bilang isang banker at mayroong kontentong buhay. Asawa nito si Richie, na kanyang hinihintay sa isang high-class restaurant. Sinusubukan nito maging belong sa lugar na ito kahit pa, “Maya, for the life of her, never bothered to learn such subtleties.” Kaya ganon na lamang na ipinagpalit niya ang iced tea sa isang glass of merlot at siya ay maingat sa kanyang mga galaw.
Bilang isang banker, may katangian din ito na pagiging maiimis o organized. “She always had a need for order, to put everything in neat… and had always kept a well-balanced life.” kaya ganon din siya mag isip at tingnan ang mga bagay.
Ngunit, makikita natin ang isa pang side ng tauhan na ito. Si Maya ay naging isang matanglawin sa istorya sapagkat habang siya ay naghihintay sa kanyang asawa ay hindi niya mapigilang mapatingin sa paligid. Unang naka agaw ng kanyang atensyon ay ang isang grupo ng mga nasa edad na mga babaeng mayroong magagarang mga damit at alahas, at mahihin na pananalita at pagkilos. Ngunit hindi rito tuluyang napakaw ang atensyon ni Maya, kung hindi sa well-preserved witch na ma-edad na nagsabing “Oh Andrei” sa kanyang mas batang lalaki na kasama.
Sa bahaging ito nagsimula ang malawak at mapaglarong isipan ni Maya. Ang bawat kilos ng dalawa ay may kapalit na pangungutya sa kanyang isipan.
“There was the cackling again. How annoying it must be to be in bed or in the hot tub with someone who sounded like that, “
She caught Andrei reaching out to stroke the witch’s cheek…”How childish!” she said.
Dito lumilitaw ang kanyang conflict. Tao laban sa sarili ang naging problema ni Maya sapagkat hindi niya na mapigilang maikumpara ang kanyang sarili sa sa katauhan ng witch. Hinaharap ni Maya ang suliranin ng buhay. Sa tingin ko ay isa dito ang pagdaan ng panahon o pagtanda. Ito ay isang inevitable change para sa isang tao at para kay Maya, mahirap itong tanggapin. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan tulad ng mga:
- Insecurities.
“Maya watched her smile at the waiter and saw a few crinkles appearing near the sides of her mouth. Maya instinctively touched her own lines, crow’s feet that suddenly showed up after she had her second child… There was the grey hair that had begun to sprout here and there”
2. Limitations.
“But those kinds of time, those had already passed. For Maya, life moved in a linear path. There was a time for childish games, but at her age, it was already time to settle down”
3. Regrets.
“trying to bring back what had been lost before it was too late, before she was too old to want.”
Para sa akin, buo at nakikita ko kung anong katauhan ni Maya. Nakikita ko rin ang aking tatay sakanya. Hindi sa pagiging mapanghusga, ngunit sa kanyang patanggi sa pagtanda. Nararamdaman nila ang kapaguran at mayroong pumipigil sakanila na mamuhay gaya ng dati. Tulad ng aking nabanggit kanina, marami nang umiikot sakanilang mga isipan.
Siguro ang makukuha kong punto sa maikling kuwento na ito ay dapat hindi tayo maging mapanghusga sa ating kapwa. Do not judge others if you do not want to be judged. “The woman was whispering something in Andrei’s ear. Then he looked at her as if she was the only one in the room... Maya felt someone cackling behind her.” Kung noong una ay pinagtatawanan at kung ano-ano ang iniisip ni Maya, siya naman ngayon ang pinaguusapan ng dalawa. Matuto tayo na hindi dahil lamang sa ating sariling mga insecurities ay ibababa na natin ang tingin sa iba upang bumuti ang ating tingin sa sarili.