Pagsusuri — Bob Ong at RJ Ledesma
Si RJ Ledesma at Bob Ong ay parehong kilala bilang mga manunulat ng comedy at makikita ito sa kanilang akda na ibinigay na halimbawa. Kaya bilang mambabasa, hindi ako nabagot sa pag babasa nito. Ang isa pa nilang pagkakapareho ay gumamit sila ng first person point of view kaya naging mas personal ang kanilang pag kukwento ng bahagi ng kanilang mga sariling buhay.
Sa akda ni RJ Ledesma na I Do or I Die, ako ay madaling naka sunod sa kwento na isinasalaysay hindi dahil naranasan ko na maikasal, kung hindi dahil nadanas ko na ito sa aking mga kapatid. Mayroon akong apat na kuya, dalawa doon ay kasal na at isa doon ay ikakasal ngayong taon. Ngunit sa pangalawang kuya ko ako may pinaka experience, kumbaga kasama ako ng kuya ko “every step of the way” ng kanilang pagpaplano ng kasal. Nakita ko sa akda na gumamit si Ledesma ng structure na explanation-of-a-process at isang plot technique na time sequencing, Kung san nagkaroon siya ng personal narrative ukol sa kung paano nila pinaghandaan ang kanilang kasal. Simula sa anong ginagawa sa “on the engagement” hanggang sa “on the wedding day.” At talagang masasabi kong accurate ang kanyang mga isinalaysay na proseso sa mga nangyayari talaga sa normal na mga taong magpapakasal.
Kung ako ay magiging tapat, noong binabasa ko ang mga unang bahagi ng ibinigay na excerpt sa Stainless Longganisa ni Bob Ong ay napatanong pa ako sa aking kaklase na “Tama ba binabasa ko na pahina? Parang hindi ko naman ito malalapatan ng analysis”, dahil mayroon siyang binabanggit na samu’t saring mga bagay na hindi ko masundan ang gusto niyang sabihin. Ngunit nang maglaon ay nakasunod na naman ako sa daloy ng kwento at mayroon nang paunti-unting halakhak na lumalabas sa akin. Hinaluan niya ng mga makuwelang bagay upang mas ng kanyang mga mambabasa.
Dito ko napagtanto na gumamit si Ong ng structure na Parallel. Maraming nag ooverlap na mga paksa at thoughts niya. At hindi lamang isang structure ang kanyang ginamit, mayroon pang dalawa. List structure kung saan mayroon siyang mga inisa-isa na pangalan ng mga tao. At sa huling bahagi, mula pahina 77 hanggang 81, ito ay isang question and answer structure kung saan sinagot niya ang mga tanong ukol sa kanya bilang isang manunulat.
Kilala ko lang si Bob Ong dati na sikat na writer na nakikita ko sa lamang twitter, ngunit sa pagbuklat (kahit softcopy lamang ang aking nabasa) ko ng kanyang akda, ay parang mayroon ding nagbukas na buhay sa aking harapan. Na para bang kinakausap lamang ako ni Bob Ong tungkol sa thoughts at replekston niya sa buhay. Kaunti na lamang ay iaadd ko na sana siya sa facebook. Si RJ Ledesma naman ay hindi gaanong kapamilyar sakin, ngunit nagkaroon din ako ng interes na magbasa pa ng kanyang mga akda.